TOG 2, NAKAALERTO NA SA BANTA NI BAGYONG CRISING

Cauayan City – Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Tropical Depression “Crising,” isinagawa ng Tactical Operations Group 2 (TOG 2) ang mustering ng kanilang Disaster Response Team (DRT) at inspeksyon ng gamit para sa Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) nitong Hulyo 17, 2025 sa harap ng HTOG2 Hangar, Cauayan Air Station.

Tiniyak sa aktibidad ang kahandaan at kumpletong presensya ng lahat ng miyembro ng DRT.

Bawat isa ay sumailalim sa briefing ukol sa mga posibleng deployment, mga operational procedure, at safety protocols.

Kasabay nito, sinuri rin ang mga gamit gaya ng rescue tools, communication equipment, medical kits, at iba pang mobility assets upang matiyak ang kanilang maayos na kondisyon.

Facebook Comments