Nakahanda pa rin ang pamunuan ng Tactical Operations Group o TOG 2 kung sakaling kakailanganin sila sa pagsasagawa ng aerial inspeksyon kasunod ng pananalasa ng bagyong Karding.
Ayon kay LtCol Sadiri Tabutol, Commanding Officer ng TOG 2, bagamat hindi direktang tumama ang Bagyong Karding sa Isabela ay naka standby pa rin ang kanilang mga air assets kung mayroong magre-request at hihingi sa kanila ng tulong para sa aerial survey.
Naghihintay lang din umano sila ng direktiba mula sa Office of the Civil Defense Region 2 at DRRM Cagayan Valley kung kinakailangan ng rapid assessment.
Kaugnay nito ay wala naman aniyang naiulat na iniwang matinding pinsala ang bagyo sa rehiyon dos kung kaya’y posibleng hindi na kailanganin ang paglilibot gamit ang mga helicopter.
Samantala, nakahanda at alerto pa rin naman ang TOG 2 sakaling may mga susunod pang kalamidad na maaaring tumama sa Lambak ng Cagayan.
Facebook Comments