TOG 2 NG PHIL AIR FORCE, MAY BAGONG COMMANDER!

43

Cauayan City – Pormal nang nanungkulan bilang bagong group Commander ng Tactical Operations Group 2 ng Philippine Airforce na nakabase sa Minante uno, Cauayan City si Lt.Col Agosto Padua.

Pinalitan Ni Lt.Col Padua si Lt. Col Randy Buena na naitalaga naman sa Zamboanga. Bago ang kanyang assiginment dito sa Tactical Operations Group 2, ay unang nanungkulan si Lt.Col Padua bilang pinuno ng Air Defense Control Center. Gamit ang radar, sila ang responsable sa pagmonitor ng anumang sasakyang panghimpapawid na tumatawid sa air space ng Pilipinas.


Siniguro ni Lt. Col Padua na handa siyang makipag tulungan sa iba bang ahensiya ng pamahalaan sa rehiyon upang maibigay sa mga mamamayan ang suporta at serbisyong dapat nilang matamasa. Sa kasalukuyan ay abala siya sa pag iikot sa buong rehiyon para magsagawa ng courtesy call sa Marine, Philippine Army, PNP, BFP at iba pa.

Kasabay ng paggampan ni Lt.Col Padua sa kanyang bagong trabaho bilang group commander ng TOG 2 ay ang kanyang panawagan na hindi kailanagan ng patayan…hindi demokrasya ng US, komunismo ng China at Russia ang kailanagn kungdi mag usap ang mga Pilipino bilang mga Pilipino para magtulungan. Aniya, pag usapan ang problema, hndi pinag aawayan.

Facebook Comments

From Advertisers