TOG2-Philippine Air Force, Tuloy-tuloy ang Relief Operations sa Cagayan

20

Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin ang isinagawang relief operations ng mga tauhan ng Tactical Operations Group 2 (TOG2) Philippine Air force sa ilang lugar sa lalawigan ng Cagayan na labis na nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Col. Augusto Padua, TOG2-PAF commander, ilan sa mga bayan na kanilang iniikutan ay ang Aparri, Lal-lo, Alcala, Camalaniugan, Lasam, Gattaran at Baggao.


Aniya, hindi alintana ang pagod para matugunan ang pangangailangan ng mga residente sa mga lugar na apektado ng malawakang pagbaha.

Samantala, sakay ng eroplano ng Philippine air force ay nag-ikot din ang aktres na si Ivana Alawi upang magpaabot ng tulong sa mga pamilyang nasalanta ng kalamidad.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng operasyon ng mga tauhan ng airforce para mabigyan ng pagkain ang mga pamilyang hindi pa rin makaalis sa kani-kanilang kabahayan dahil sa bakas ng makapal na putik.

Facebook Comments