#TOGETHER PA RIN | AlDub loveteam, hindi pa buwag! – Alden Richards

73

Manila, Philippines – Buo pa rin ang suporta sa isa’t isa ng magka-loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ito ang nilinaw ng aktor sa harap ng halo-halong reaksyon ng mga netizen sa hiwalay nilang proyekto ngayong taon.

Iba kasi ang magiging leading lady ni Alden sa tinatrabaho niya ngayong prime time series habang makakasama naman sa 2018 MMFF movie entry nina Vic Sotto at Coco Martin si Maine.

Pero say ni Alden, hindi ito nangangahulugang buwag na ang AlDub loveteam.

Aniya, ganon talaga ang buhay artista at gumagawa sila ni Maine ng magkaibang proyekto bilang bahagi na rin ng kanilang personal growth.

Facebook Comments