Tokhang Responders Sumailalim sa Drug Test

Benito Soliven, Isabela – Sumailalim sa mandatory drug test ang mahigit 200 na mga kalalakihan at ilang mga babae na sumuko noon sa Oplan Tokhang.

Sa panayam ng RMN Cauayan News kay PSI Joel Bumanglag, hepe ng PNP Benito Soliven, Isabela, ang mga tokhang responders na isinailalim sa drug test ay kinabibilangan ng ilang mga barangay officials at high value targets sa kanilang bayan.

Ayon pa sa nasabing opisyal, ang mga sumailalim sa drug test ay kailangan din sumailalim sa community based rehabilitation and treatment program ng pamahalaan bago sila ituring na tuluyan nang nagbago.


Dagdag pa ng hepe na kung sakaling magpositibo ang mga ito sa drug test ay magiging target muli sila ng mga alagad ng batas sa kampanya laban sa droga.

Ginawa ang drugtest ng PNP Benito Soliven katuwang ang PNP Crime Laboratory ng Isabela.

Facebook Comments