Tokyo 2020 Olympic medalists, tumanggap ng pagkilala at reward mula sa Malakanyang

Tumanggap ng pagkilala at reward sa Malakanyang ang mga Tokyo 2020 Olympic medalists matapos ang kanilang laban sa Japan.

Kabilang sa mga ito sina; Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam, Eumir Marcial at maging si Mansueto ‘Onyok’ Velasco, silver medalist sa boxing noong 1996 Atlanta Olympics.

Tumanggap si Velasco ng Order of Lapu-Lapu, rank of Kamagi, at P500,000 mula sa Office of the President at iba pang regalo mula sa mga pribadong kumpanya.


Ginawaran naman si Hidilyn Diaz ng Presidential Medal of Merit, P10 million reward alinsunod sa Republic Act 10699, P5 million para sa pag-break ng Olympic record, P3 million cash incentive mula sa Office of the President at marami pang iba.

Nakatanggap din sina Petecio and Paalam ng P5 million cash reward alinsunod sa RA 10699 at iba pang award.

Muli namang nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa manlalaro at sinabing patuloy na kikilalanin ng mga Pilipino ang dedikasyon, hardwork at sportsmanship sa kabila ng hirap ng mga ito sa training.

Facebook Comments