Magbibitiw na sa pwesto bilang presidente ng Tokyo 2020 Olympics organizing committee si Yoshiro Mori matapos ang kontrobersyal na komento nito sa mga kababaihan na “women talked to much.”
Ang komento ay lumikha ng kaguluhan sa Japan at sa ibang bansa na isa sa inaasahang magiging hadlang sa pagdaraos nang nakanselang 2020 Summer Games.
Bilang protesta, ilang kababaihan ang nagbitiw bilang volunteers sa idaraos na palaro.
Ayon sa ulat, nagpahayag si Mori nang intensyon na bumaba sa pwesto, ngayong araw kasabay nang pagdaraos ng executive board members meeting.
Nang tanungin naman ng media kung talaga bang madaldal at masalita ang mga kababaihan, sinabi nitong: “I don’t listen to women that much lately, so I don’t know.”
Facebook Comments