Manila, Philippines – Dagdag pahirap nanaman sa publiko, ito na lamang ang nasabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa ginawang pagapruba ng Toll Regulatory Board sa provisional toll hike sa North Luzon Expressway at Star Tollways.
Iginiit ni Zarate na walang basehan para sa 25 centavos na toll fee increase sa NLEX at 67 centavos sa STAR Tollways mula Sto. Tomas hanggang Batangas City.
Ayon sa mambabatas ito ay dahil wala pang isinasagawang pagdinig tungkol dito kahit pa nakaambang na ang pagpapatupad sa Nobyembre 6.
Wala ding nagbibigay ng kopya ng Supplemental Toll Operations Agreement na mahigit 3 taon na nilang hinihingi.
Dahil dito’y naghihinala si Zarate na merong over-collection at over-compensation sa kontrata pabor sa expressway companies.