Manila, Philippines – Dahil hindi dumaan sa public consultation, hindi palalagpasin ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang pagtaas ng singil sa toll fee sa North Luzon Expressway o NLEX at Southern Tagalog Arterial Road o STAR.
Naghain si Zarate ng House Resolution 1435 na humihiling sa House Committee on Transportation para imbestigahan ang toll hike sa dalawang expressway na ito.
Inaprubahan ng Toll Regulatory Board ang 0.25 cents sa kada kilometro na dagdag na toll mula Marilao hanggang Sta.Ines sa Mabalacat, Pampanga at 0.67 cents naman sa kada kilometro na dagdag toll mula Sto. Tomas hanggang sa Batangas.
Giit ni Zarate, dagdag pahirap ang aniya`y toll fee hike at malaking kwestyon kung bakit inaprubahan ito ng TRB na hindi dumaan sa mga pagdinig.
Sobra-sobra aniya ang kinita ng mga expressway companies sa loob ng apat na taon kaya walang basehan ang toll fee hike na ipinataw ng mga ito.