MANILA – Good news sa mga motorista ngayong undas dahil walang pagtaas sa toll fee sa ilang expressways.Ito ang paglilinaw ni Toll Regulatory Board Spokesman Bert Suansing kaugnay sa hirit ng ilang expressway na pagtaas ng toll fee.Ayon kay Suansing – marami pang prosesong daraanan ang mga petisyon bago payagan na magtaas ng toll fee.Nabatid na pinapayagan ng mga pinasok na kontrata ng pamahalaan sa mga nagpapatakbo ng expressways ang probisyong humingi ng toll fee increase kada dalawang taon.Huli anyang napagbigyan ang toll fee increase noon pang 2011 kaya’t lumalabas na aabot na sa limang bilyong piso ang hindi naibigay na increase sa toll fee.Kabilang sa mga naghain ng petisyon para sa 15 hanggang 33 percent increase sa toll fee Ang Manila North Tollways Corporation na nagpapatakbo sa North Luzon Expressway (NLEX), SCTEX at CAVITEX.Gayundin ang Ayala Corporation na nagpapatakbo sa MC Expressway sa Muntinlupa-Cavite papunta ng daang hari.
Toll Regulatory Board – Tiniyak Na Walang Pagtaas Sa Toll Fee Sa Ilang Expressway
Facebook Comments