Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith, ikinalungkot ang pagtanggi ng ilang sinehan sa pag-block screen ng kanilang movie

Photo Courtesy: Very Wang//YouTube

Ikinalungkot nina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith ang pagtanggi ng ilang sinehan na ma-iblock screen ang kanilang movie na “Maledicto”.

Ayon kay Tom, naiintindihan niya ang pagtanggi ng mga sinehan sa kanilang pelikula.

Hirap daw kasi ang mga Pilipino na tangkilikin ang Philippine cinema lalo pa at marami nang pagpipilian ang mga manonood dahil sa internet at digital media.


Hinikayat naman ni jasmine ang mga Pilipino na sana ay suportahan pa rin ang gawang Pinoy na maipagmamalaki natin.

Sinabi rin ng aktres na hindi man pang Hollywood ang kanilang pelikula, pero nandoon pa rin ang salitang “pinagpaguran”.

Facebook Comments