TOMBOY PHILIPPINES 2025 GRAND WINNER, MASAYANG SINALUBONG SA BOLINAO

Masiglang tinanggap ng mga residente ng Bolinao si Tonie Ocasion Buccat, Tomboy Philippines 2025 Grand Winner, sa kanyang homecoming parade kahapon, Nobyembre 17.

Nagtipon ang mga taga-bayan sa magkabilang panig ng kalsada, bitbit ang mga banner, lobo, at tarpaulin bilang pagpapakita ng suporta sa kauna-unahang residente sa bayan na nagwagi sa pambansang pageant.

Umalingawngaw ang palakpakan habang nagpapasalamat si Tonie sa komunidad na tumulong sa kanyang pag-usad mula simula hanggang tagumpay.

Sa kanyang pag-uwi, naging tampok hindi lamang ang napanalunang koronang pambansa kundi pati ang inspirasyong hatid ng kanyang determinasyon at pagiging totoo sa sarili

Ang kanyang kwento ay nag-iwan ng mensahe ng tapang at pagpapakatotoo para sa kabataang ng bayan at sa mas malawak na komunidad.

Isang mainit na pagbati ang inilaan kay Tonie Ocasion Buccat bilang karagdagang karangalan ng bayan ng Bolinao.

Facebook Comments