TONDALIGAN BEACH, DINADAGSA NGAYON NG MGA BEACHGOER NGAYONG PAGTATAPOS NG LONG HOLIDAY SEASON

Patuloy na dumagdagsa ngayon ang mga beachgoers sa Tondaligan Beach sa Dagupan City dahil para masulit ng mga ito ang holiday season.
Ngunit sa dami ng mga dumarayo sa lugar ay patuloy din ang pagbabantay ng mga awtoridad para siguruhin ang kaligtasan ng bawat at upang walang madisgrasya.
Ayon sa naging panayam ng IFM Dagupan kay PLTCol. Vicente Castor Jr. ay nakaantabay ang tropa ng kapulisan upang magbantay sa lugar.

Sa tansya ng opisyal, generally peaceful kung maituturing ang lugar.
Bukod sa kapulisan, nakaantabay din ang ilang awtoridad gaya na lamang ng Bantay Ilog Task Force kung saan isinasagawa nila ang pag-iikot-ikot sa kahabaan ng beach para pa rin sa kaligtasan ng bawat beachgoers sa lugar.
Paalala ng awtoridad na sumunod at mag-ingat sa naka-ambang dalang panganib kung hindi magkakaroon ng disiplina sa sarili ang mga ito, sinabi din ng awtoridad na kung sakaling naka-inom ay huwag ng lumusong para hindi na magaya sa ibang nalulunod. | ifmnews
Facebook Comments