
Dinagsa ng mga beachgoers ang Tondaligan Beach sa Dagupan City sa unang araw ng 2026, matapos salubungin ng mga pamilya at magkakaibigan ang Bagon Taon.
Maaga pa lamang ay dumating na ang mga bisita upang magpalipas ng oras, lumangoy, magpiknik at kumuha ng litrato sa tabing-dagat.
Kabilang sa mga nagtungo sa lugar ang mga residente ng Dagupan at karatig-bayan, pati na rin ang ilang bakasyunista sa lalawigan.
Ayon sa pamahalaang lungsod, inaasahang magpapatuloy ang pagdagsa ng mga tao hanggang sa weekend, lalo na’t naaayon ang panahon para sa mga aktibidad sa dalampasigan.
Bilang bahagi ng pagbabantay sa kaligtasan at kaayusan, nakaantabay ang pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police, Philippine Coast Guard, at mga lifeguard sa Tondaligan Beach upang tiyakin ang seguridad ng mga naliligo at namamasyal.
Patuloy ding pinapaalalahanan ang publiko na maging maingat at sumunod sa mga patakaran upang maiwasan ang anumang insidente.







