Bagamat hindi direktang mararamdaman sa lungsod ng Dagupan ang posibleng hagupit ni Bagyong Betty ay mararamdaman pa rin ang lakas nito lalo na sa mga karagatan tulad dito sa Tondaligan Beach.
Kung balak ninyong bumisita ngayon sa Tondaligan beach ay nagbigay ng abiso si Tondaligan Administrator, Al Gregorio na kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagbisita sa naturang beach lalo na at ramdam ngayon ang malakas na bugso ng hangin kung saan nagtatalsikan na rin pati buhangin.
Mataas din ang bugso ng alon ngayon sa karagatan kaya mas mabuti pa raw umanong sa ibang araw na lamang bumisita.
Nito ngang weekend, kahit naglabas na sila ng paalalang No swimming policy ay may iba pa ring sumuway ngunit siniguro naman ng mga lifeguards na nakaahon na ang mga ito matapos masita at nakaantabay ang mga ito sa tabing dagat para mag-monitor.
Muling paalala ng Tondaligan Administrator para makatulong sa pag iwas sa disgrasya at kapahamakan ay pansamantala munang huwag pumunta sa naturang beach at para sa mga residente ay iwasan muna ang pumalaot. |ifmnews
Facebook Comments