TONDALIGAN BEACH, INAASAHANG DADAGSAIN SA SUSUNOD NA LINGGO BUNSOD NG VALENTINES DAY

Inaasahang dadagsa sa susunod na linggo ang mga pamilya at magkasintahan sa Bonuan Tondaligan Beach dahil sa pagdiriwang ng Valentine’s Day.

Ayon sa ilang food vendor na nakapuwesto sa naturang beach, posibleng mas dumami ang mga bibisita lalo na sa Pebrero 14, partikular bandang hapon hanggang gabi, kung kailan karaniwang namamasyal at nagdi-date ang mga magkasintahan sa tabing-dagat.

Nakahanda naman ang mga lifeguards at patrolmen na araw-araw na nagbabantay at naglilibot sa paligid ng beach upang matiyak ang kaligtasan ng mga bisita sa inaasahang pagdami ng tao.

Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na mag-ingat sa tuwing bumibisita sa mga pasyalan, lalo na sa beach, at iwasan ang paglusong sa dagat kung nasa impluwensya ng alak upang maiwasan ang mga disgrasya gaya ng pagkalunod.

Facebook Comments