Dumagsa ang mga beach goers sa Bonuan Tondaligan Beach sa Dagupan City sa huling araw ng Agosto.
Ani ng ilang beach goers, sumakto ang huling araw ng Agosto sa araw ng Linggo kung kaya’t sinulit na nila ang pagkakataon na bumisita kasama ang pamilya.
Pahabol na rin umano ito sa kanilang mga naudlot na lakad noong nakaraang summer season at ngayon na pumasok na ang ber months.
May mga nakaantabay na lifeguards upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng lahat ng bisita.
Mahigpit na paalala ang pagiging responsable tamang pagtatapon ng basura upang manatiling malinis ang baybayin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









