Unti-unti nang dinarayo ng mga beachgoers ang Tondaligan Beach sa Dagupan City habang papalapit ang kapaskuhan.
Ilan sa mga bumibisita ang piniling idaos dito ang kanilang Christmas party, habang ang iba naman ay kasama ang pamilya para sa simpleng salu-salo at reunion.
Tiniyak ng mga lifeguard sa nasabing beach ang kaligtasan ng mga bumibisita, lalo na’t inaasahan pa ang pagdami ng mga tao sa mga susunod na araw hanggang sa mismong pasko.
Umaasa rin ang mga nagtitinda sa mga stalls sa lugar na tataas ang kanilang kita kasabay ng pagdagsa ng mga bisita sa beach.
Samantala, binigyang-diin naman ng hanay ng pulisya ang mahigpit na pagbabantay sa mga pook-pasyalan sa lalawigan upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.









