Nagpaalala ang mga lifeguard sa Bonuan Tondaligan Beach sa Dagupan City sa mga beachgoers na hahabol sa summer vacation na maging responsable sa kanilang pagligo sa dagat at sa pagpapanatili ng kalinisan sa paligid.
Ayon sa mga Tondaligan Lifeguard, kakaunti lamang sila sa grupo na nagpapatrolya sa naturang beach, kaya’t mahalaga ang pakikipag-ugnayan at kooperasyon ng mga bisita upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa lugar.
Katuwang ng mga lifeguard ang tanggapan ng PNP na araw-araw rin ay nagpapatrolya sa paligid para sa dagdag na seguridad.
Hiling din ng mga awtoridad na maging responsable ang publiko sa pagtatapon ng basura—siguraduhing itinatapon ito sa tamang basurahan upang hindi maging makalat ang beach at mapanatiling maayos at ligtas ang lugar para sa mga kasalukuyang at susunod pang bibisita. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments