Tondo 1, Malate at Sampaloc, nangunguna sa may pinakamalaking bilang ng COVID-19 cases sa Lungsod ng Maynila

Photo Courtesy: Manila PIO

Nangunguna ang Tondo 1, Sampaloc at Malate sa may pinakamalaking bagong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

Bunga nito, nanawagan si Manila City Mayor Isko Moreno sa mga residente ng nabanggit na lugar na maging maingat at mahigpit na sundin ang minimum health protocols ng gobyerno.

Pinayuhan din ni Moreno ang mga residenteng nakakaranas ng sintomas ng sakit na agad na sumailalim sa pagsusuri.


Ayon sa alkalde, tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Malate, Sampaloc at 1st District ng Tondo dahil sa pagsasalo-salo nitong holiday season.

Facebook Comments