Tondo Church, may pakiusap sa mga kumakandidato ngayong midterm elections

Kasabay ng pagsisimula ng kampaniya sa lokal na posisyon ngayong 2025 midterm elections, may pakiusap ang Archdiocesan Shrine of Sto Niño de Tondo sa lahat ng mga kandidato.

Ito ay patayin o hinaan ang mga pinapatugtog na kani-kanilang campaign jingles.

Partikular sa pagdaan sa paligid ng simbahan lalo na’t kapag may nagaganap na Banal na Misa.


Hiling ng pamunuan ng Tondo Church na ibigay ng bawat kandidato at supporters nito ang nararapat na paggalang sa simbahan.

Respetuhin din sana at huwag maistorbo ang mga nagdarasal sa loob ng simbahan kung saan saglit lang naman ang pagpatay o paghina ng mga pinapatugtog na campaign jingles.

Umaasa naman ang nasabing simbahan na kahit papaano ay tatalima ang lahat ng mga kumakandidato lalo na sa lungsod ng Maynila.

Facebook Comments