Tondo, Manila muling iikutin ng DZXL Radyo Trabaho

Manila, Philippines – Muling susuyurin ng Radyo Trabaho team ng DZXL 558 RMN Manila ang limang barangay sa Tondo, Manila.

Kabilang dito ang Barangay 155, 221, 213, 215 at 227.

Dito magsasagawa ng flyring, stickering at pag-aanunsyo sa mga programang nakapaloob sa Radyo Trabaho block na mapapakinggan mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.


Paraan ito ng ating network na para maiparating sa ating mga kabarangay sa Tondo, Manila kung ano ang pwede nating maitulong sa kanila lalo at higit sa mga naghahanap ng trabaho.

Magsisimula ang recorida mamayang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Sa susunod na linggo, iikot naman ang RT team sa Binondo at Sta. Cruz, Manila.

Ito na ang pang-apat na linggong recorida ng DZXL Radyo Trabaho.

Kita-kits mga Karadyoman!

Facebook Comments