Tone-toneladang basura, nakuha sa isinagawang paglilinis ng MMDA sa Lambingan Bridge

Tone-toneladang basura ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at San Juan local government unit (LGU) maging ng mga volunteer sa isinagawang paglilinis sa San Juan River sa ilalim ng Lambingan Bridge kahapon.

Sa ilang oras pa lang ng paglilinis kahapon ay umabot na sa dalawang truck ng basura ang nakolekta sa naturang ilog.

Tiniyak naman ng MMDA na regular ang kanilang isasagawang paglilinis sa San Juan River maging sa mga drainage system sa Metro Manila para maiwasan ang pagbaha.

Kabilang na rito ang declogging, dredging, pag-alis ng putik o burak, at iba pang basura sa daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng pagbaha.

Nagpasalamat naman si Mayor Francis Zamora sa MMDA sa pagdadala sa kanilang lungsod ng serbisyo ng Bayanihan sa Estero na ang makikinabang ay kanilang mamamayan

Facebook Comments