Tone-toneladang basura ng Canada, naikarga na sa barkong maghahatid nito

Photo Courtesy: Teddy Locsin//DFA Secretary

Naikarga na sa barko ang libu-libong toneladang mga basura na ibabalik sa Canada.

Ayon kay Atty. Wilma Eisma, chairman at administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority, alas-3 kahapon ng hapon ng dumating ang barkong MV Bavaria sa New Container Terminal sa Subic.

Habang alas-5 naman kahapon ng hapon ng simulan ang paglalagay sa 69 containers ng Canadian trash dahil tinanggal muna ang mga commercial cargoes.


Kasabay nito, nagpaliwanag naman si Eisma kung bakit hindi pinayagan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang media na makunan ang paglalagay ng mga basura sa barko.

Alas 5:00 Biyernes ng umaga inaasahan ang pag-alis ng barko laman ang mga basura mula Canada na pumasok sa bansa noong 2013 at 2014.

Inaasahang aabutin naman ng 21 araw bago makarating ang mga basura sa Vancouver, Canada.

Matatandaang inako ng gobyerno ng Canada ang P10 milyong gastos sa re-exportation ng mga basura.

Facebook Comments