Maibabalik na umano sa South Korea ang itinambak na tone-toneladang basura sa Mindanao International Container Terminal (MICT) sa unang Linggo ng Enero 2019.
Ayon kay MICT collector John Simon – gagamitin nila ang natitirang mga araw nitong buwan sa pagplantsa ng mga napagkasunduang hakbang kasama ang South Korean officials para maialis na ang mga basura sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Dagdag pa ng opisyal, isang araw ang iginugol nila kasama ang ibang ahensiya ng gobyerno sa closed-door conference para maipaliwanag nang husto sa apat na South Korean officials gamit ang kanilang interpreters ang tunay na nangyari sa mga basura.
Nabatid na nasa 51 containers lamang mula sa dalawang shipments na pumasok sa lalawigan ang naharang kaya umaabot pa sa umano ay planta ng Verde Soko ang unang batch ng mga basura noong Hulyo 2018.