Gagawing kapaki-pakinabang ang mga nasamsam na tone-toneladang campaign materials at posters ng Department of Public Order and Safety (DPOS) sa Quezon City.
Sinabi ni Retired PGEN. Elmo Sandiego ang Hepe ng DPOS, ang mga nahakot na mga campaign materials ay kanilang sine-segregate saka idino-donate sa charity groups gaya ng gumagawa ng bag mula sa tarpaulin.
Habang ang Green Philippine ay kumokolekta rin sa kanila ng mga naipong campaign materials saka ito pinapalitan ng grocery items at bigas na siya namang idino-donate ng DPOS sa urban poor families sa lungsod.
Sinabi pa ni Gen. Sandiego bukod dito, ang naipong mga kahoy at kawayan ay idino-donate nila sa mga gardener’s group at sa Joy of Gardenin nga gumagamit nito sa kanilang pagtatanim.
Sa katunayan, sampung truck ng campaign materials sa Flora Ylagan High School at Pinyahan Elementary School na ginawang polling center ang dinala sa segregation place sa Manila Seedling Bank sa Brgy. San Roque, QC.