*Cauayan City, Isabela*- Aabot sa 14 toneladang iba’t ibang uri ng gulay ang ipinagkaloob ng Cordillerans katuwang ang kasundaluhan ng 7th Infantry Battalion sa mga apektadong pamilya ng pag alboroto ng Bulkang Taal sa Batangas.
Pinangunahan ito ng mga grupo na kinabibilangan ng 3rd Mechanized Infantry “Makatarungan” Battalion sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Norberto P. Aromin Jr., Armor “Pambato” 7th Infantry “Kaugnay” Division katuwang ang Pyros Dragon Team at Ayala Young Leaders Association, Baguio Chapter.
Maliban dito, libo-libong relief packs, 25 na sako ng bigas at 250 na bote ng tubig mula sa mga donasyon ng ilang grupo at indibidwal sa Cordillera ang naipagkaloob na sa 16 na evacuation centers o mahigit sa 600 na pamilya sa Nasugbu, Batangas.
Nagpasalamat naman si Lieutenant Colonel Aromin Jr. sa mga tulong na ibinagay ng mga stakeholder’s para sa mga biktima ng Bulkang Taal.
Ayon naman kay MGen. Lenard Agustin, Commanding Officer ng 7th Infantry Division na nakasabe sa Nueva Ecija, masaya itong nakita ang ilang battalion at pribadong indibidwal na magkatuwang na tumulong sa apektadong pamilya ng Taal.