Manila, Philippines – Umabot sa anim na toneladang basura ang nahakot ng Manila Department of Public Services sa Dalampasigan ng Manila Bay.
Ayon kay MDPS Foreman Anita Escobel, inanod ang naturang mga basura mula Cavite dahil sa kasagsagan ng malakas na ulan na dala ng bagyong Gorio.
Aniya, naipon ang mga plastik ng shampoo, tsitsirya, bote, styrofoam, kahoy, at kawayan sa baybaying malapit sa bakuran ng US Embassy hanggang sa opisina ng Philippine Navy.
Kung magtutuloy-tuloy ang pag-ulan, sinabi ng mdps posibleng tumagal ng isang linggo ang paghahakot ng mga basura sa Manila Bay.
Facebook Comments