Tonga, nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Tonga (Tang-ga) isang bansa sa Oceania ng kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Ang indibidwal na ito ay nagpositibo sa virus matapos matanggap ang ikalawang doses ng bakuna nitong Oktubre.

Dahil sa nangyari, pinahahanda na ni Tongan Prime Minister Pohiva Tuionetoa ang mga mamamayan sa posibleng lockdown sa buong bansa.


Isa ang Tonga sa kakaunting bansa sa buong mundo na hindi pa kalat ang virus matapos mapigilan ang posibleng infection noon nang agad na ma-isolate ang isang indibidwal na nanggaling sa New Zealand.

Nasa 106,000 ang popuslayon sa Tongan kung saan marami na rin ang fully vaccinated.

Facebook Comments