“Tongpats” scheme sa pork imports, nais paimbestigahan ni Pangulong Duterte

Handang paimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isiniwalat ni Senator Panfilo Lacson na may nangyayaring kickback scheme sa pag-aangkat ng baboy.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nais malaman ng Pangulo ang katotohanan sa liko ng mga anomalya sa pork imports.

Bukod dito, sisilipin din ni Pangulong Duterte ang proposal ng Department of Agriculture (DA) na itaas ang import volume ng karneng baboy.


Aminado si Roque na ang mataas na presyo sa pork products ay bunga ng local supply shortage.

Sa mungkahing magdeklara ng state of emergency, sinabi ni Roque na hinihintay nila ang rekomendasyon mula sa DA para dito.

Sa kabila ng mga isyung bumabalot sa pork importation, patuloy na nagtitiwala si Pangulong Duterte kay Agriculture Secretary William Dar sa kabila ng mga panawagang magbitiw na siya sa puwesto.

Matatandaang ibinunyag ni Sen. Lacson na mayroong ‘tongpats’ system sa pork importation kung saan nakakatanggap ang ilang agriculture officials ng ₱5 hanggang ₱7 kada kilo na imported pork.

Babala pa ni Lacson na posibleng sumipa pa ito ng 10 hanggang 15 pesos kada kilo kung itutuloy ng pamahalaan ang plano nito na bawasan ang taripa habang itataas ang minimum access volume (MAV) para sa imported meat.

Facebook Comments