Toni Gonzaga, inaming hindi perfect ang relationship nila ng asawang si Paul Soriano

Inamin ng aktres na si Toni Gonzaga-Soriano na hindi naging perpekto ang relasyon nila ni direk Paul Soriano bilang mag-asawa.

Sa YouTube vlog ni Dr. Vicki Belo, ibinahagi ng aktres na noong bagong kasal pa siya ay natatakot at kinakabahan siya dahil first time niyang aalis sa kanilang bahay.

Say ni Toni, kapag nalalampasan niyo na ang mga pagsubok na dumadating, kalaunan ay nagiging perpekto rin ang relasyon na parang pagluluto.


Payo naman ng aktres, mahalaga rin na ang lalaki ang namamahala sa isang pamilya para magkaroon ng harmony.

Nang dumating din sa buhay nila si Seve ay nagpasya muna siyang lumayo sa showbiz para makapag-focus sa pagiging mabuting ina at asawa.

Facebook Comments