Toni Gonzaga, naglabas na ng saloobin sa ABS-CBN shutdown

(Toni Gonzaga Instagram)

Nadudurog ang puso– ganito inilarawan ng Kapamilya host-actress Toni Gonzaga ang kanyang nararamdaman para sa mga empleyadong nanganganib mawalan ng trabaho nang ma-deny sa Komite ang ABS-CBN franchise.

Nitong Sabado, sinabi ni Gonzaga sa kanyang Instagram post kung gaano siya nasasaktan sa tuwing nagpapaalam ang kanyang mga katrabaho sa industriya.

View this post on Instagram

Everyday ang sakit mag bukas ng viber dahil nagpapaalam na lahat ng mga katrabaho namin samin. Sa lahat ng nasa posisyon ngayon, hindi namin makakalimutan ang ginawa nyo sa mga trabahador ng ABSCBN. You may have the power now but it will not be forever. I believe that no matter who the president is, JESUS is still KING and He is the name above ALL names. Lord yakapin mo po lahat ng mga kapamilya namin na nawalan, nasasaktan at nanghihina. We will continue to keep our faith in Christ that He will sustain us during these trying times. Just like the positions of the people in power today, what we are going through will not last forever. Troubles come to pass, they don’t stay. Jesus said, when you go through deep waters I will be with you. One day He wipe these tears away and replace it with JOY beyond compare. 🙏🏼 Babangon tayong lahat muli.🙏🏼 #yakapkapamiya❤️💚💙

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on


Aniya, masakit daw na pagbukas ng viber ay paalam ng mga kasama sa trabaho ang kanyang mababasa.

“Sa lahat ng nasa posisyon ngayon, hindi namin makakalimutan ang ginawa nyo sa mga trabahador ng ABSCBN,” saad ng TV host.

Hindi umano panghambuhay ang mga nakaupo ngayon sa pusisyon, gaya ng sakit at kirot na nararamdaman ng kanyang kapwa Kapamilya.

“I believe that no matter who the president is, JESUS is still KING and He is the name above ALL names,” sabi niya.

Dalangin din ng aktres ang maramdaman ng mga empleyadong nawalan at nanghihina ang yakap at kagaaanan mula sa Diyos.

“We will continue to keep our faith in Christ that He will sustain us during these trying times.”

“One day He wipe these tears away and replace it with JOY beyond compare. 🙏🏼 Babangon tayong lahat muli.🙏🏼 #yakapkapamiya❤️💚💙,” pagtatapos niya.

Isa si Gonzaga at ang kanyang kapatid na si Alex sa nakiisa sa noise barrage protest noong Sabado.

Ito ay matapos ianunsyo ng ABS-CBN na hanggang katapusan na lamang ng Agosto ang itatagal ng ilang empleyado ng network.

Facebook Comments