Tony Labrusca, nasa hot seat dahil sa paninigaw daw sa isang empleyado sa NAIA

4403

Ibinunyag ng isang netizen ang paninigaw at pagmumura daw ng actor na si Tony Labrusca sa harap ng immigration officers sa NAIA Terminal 1.

Base sa Facebook post ng netizen, isa raw siya sa immigration officers na nakasaksi sa pag-eeskandalo ng aktor.

Kalakip ng Facebook post ng netizen ang screenshot ng twitter post ni Tony, na tila kinukuwestiyon kung bakit 30 days lang siyang pinayagang manatili sa bansa.

Base sa tweet ng kapamilya actor: “just landed in Manila and the Philippine immigration only gave me 30 days here. Lol . K.”

Wala pa namang komento si Labrusca sa isyu habang burado na ang kanyang tweet.

Facebook Comments