Tony Parker ng San Antonio Spurs, balik laro na!

NBA – Muling ibinalik ng San Antonio Spurs na si Tony Parker sa kanilang line-up matapos itong sumalang sa kanilang G-league affiliate.
Kasunod ito ng rehab program ni Parker kung saan sumama ito sa practice sa loob ng isang linggo sa Austin Spurs makaraan gumaling sa injury.
Nabatid na nagkaroon ng injury sa kaliwang tuhod si Parker sa kasagsagan ng Western Conference semifinals kaya ipinahinga muna ito.
Hindi naman malinaw kung makakalaro si Parker dahil ayon kay Coach Gregg Popovich, kailangan 100 percent ang condition nito lalo na’t ang Golden State Warriors ang kanilang makakalaban ngayon araw (8:00am / Philippine time).

Facebook Comments