Nasakote ng pulisya ang tukoy na Top 1 at Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Sison, Pangasinan.
Sa panayam kay Sison Municipal Police Station Chief of Police PMaj. Jervel Rillorta, ang mga akusado ay umano’y mag-ama na nasangkot sa isang pag-aaway at humantong sa sakitan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakikita umanong dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng dalawa at ng biktima ay ang dati nang alitan sa pagitan ng mga ito.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ang akusado ng pulisya at humaharap sa kasong frustrated murder, na may inirekomendang piyansa na P200, 000 bawat isa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









