Top 1 at 2 Most Wanted sa Kasong Murder, Arestado!

*Cauayan City, Isabela-* Hawak na ng mga alagad ng batas ang isang binata na Top 1 Most Wanted sa Lungsod ng Cauayan at Top 2 Most Wanted sa Lalawigan ng Isabela sa kasong murder.

Nakilala ang akusado na si Patrick Paul Barreto, 18 anyos, binata, at residente ng Burgost St., District 2, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Cauayan City, hinuli sa bisa ng warrant of arrest si Barreto na ipinalabas ni hukom Ariel M Palce, ng RTC Br 40, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong pagpatay.


Posibleng hindi na makalaya si Barreto dahil walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa kustodiya na ng PNP Cauayan ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments