Wednesday, February 4, 2026

TOP 1 AT TOP 9 MOST WANTED SA MANGALDAN AT SAN JACINTO, ARESTADO

Matagumpay na inaresto ng mga pulis sa Pangasinan ang dalawang wanted sa Municipal Level sa magkahiwalay na operasyon noong Pebrero 3.

Sa unang operasyon, arestado ang isang 62-anyos na lalaking Top 1 Most Wanted Person na Municipal Level sa ikinasang operasyon ng Mangaldan Police Station.

Kinilala ang suspek na isang lalaking jeepney driver at residente ng Mangaldan.

Ayon sa ulat, ang operasyon ay batay sa Warrant of Arrest sa kasong Estafa sa pamamagitan ng Pag-isyu ng Cheke, na walang inirekomendang piyansa.

Samantala, inaresto naman ng joint personnel ng San Jacinto Municipal Police Station, kasama ang San Fabian MPS, ang isang 32-anyos na lalaking Top 9 Most Wanted Person sa munisipyo.

Ang suspek, isang truck driver at residente ng San Fabian, ay inaresto dahil sa kasong Statutory Rape, na wala ring inirekomendang piyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng kapulisan ang mga suspek para sa dokumentasyon at tamang proseso ng kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments