Top 1 high value target sa bayan ng Margusatubig, Zamboanga Del Sur – arestado sa buy bust operation

Zamboanga Del Sur, Philippines – Arestado ng pulisya ang itinuturing na number 3 high value target ng buong Zamboanga Del Sur at umano’y number 1 high value target sa bayan ng Margusatubig matapos ang ikinasang buy bust operation.

Kinilala ang suspek na si Francisco Nalangan AKA “Jun-Subano” nakatira sa purok cadena De Amor, Poblacion, Margosatubig sa naturang lalawigan.

Nasamsam kay Nalangan ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at ang ginamit na buy-bust money.


Ang nasabing suspect ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
DZXL558

Facebook Comments