Top 1 illegal drug personality sa Parañaque at dalawang iba pa, arestado

Parañaque City – Arestado sa anti-illegal drugs operation ang Top 1 Illegal Drugs Personality ng Parañaque City kasama ang dalawang iba pa.

Naaresto sa operasyon ng Parañaque Police sa Barangay San Antonio ang mga suspek na sina Roberto Ochobillo, Rank No. 1 Top 10 Most Wanted Drug Personalities); gayundin sina Joselito Blanco at Albert Mojica.

Nabawi rin ng mga otoridad mula sa drug personalities ang tatlong sachet ng shabu, digital weighing scale; dalawang improvised water pipe na may shabu; at isang aluminum foil na may shabu residue.


Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Parañaque Police Headquarters.

Facebook Comments