Top 1 Most Wanted at 7 iba pa, Arestado

Cauayan City, Isabela- Arestado ang Top 1 Most Wanted Person sa Isabela at 7 iba pa matapos ang pinaigting na kampanya sa ilalim ng Oplan Manhunt Charlie sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya kahapon, May 12, 2020.

Kinilala ang mga suspek na sina Joshua Pallaya, 19-anyos, binata, helper at residente ng Brgy. Cabaruan, Cauayan City at itinuturing na Top 1 Provincial Level matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Ariel Palce ng RTC Br. 40 Cauayan City para sa kasong Pagpatay.

Kabilang din sa mga nahuli sina Jobert Pangilinan, 41-anyos, Top 10 Municipal Level at residente ng Brgy. Caritan Norte, Tuguegarao City, Cagayan matapos maaresto sa kasong RA 10591; Crisanto Roquero y Balay, 39-anyos, Top 10 Municipal Level, may asawa, isang driver at residente ng Brgy. Linglingay, Alicia, Isabela at nahaharap sa kasong RA 9262.


Naaresto din ang iba pa na sina Ryan Domingo, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Cabulay, Santiago City na nahaharap sa kasong Rape in relation to RA 8369; Dodong Alejandrino, 29-anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Minanga, San Mariano, Isabela matapos maaresto sa kasong Slight Physical Injuries; Ricmelo Baniqued, 37-anyos, may-asawa, negosyante at residente ng Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela na naaresto sa kasong Estafa; Roger Corpuz, 50-anyos, may-asawa, isang driver at residente ng Brgy. Villaflores, Santa Fe, Nueva Vizcaya na nahaharap sa kasong Qualified Theft; at si Mayden Taccaban, 19 -anyos, dalaga, isang estudyante at residente ng Brgy. San Antonio, Jones, Isabela at nahaharap sa kasong RA 7610 o Special Protection of Children Against Abus, Exploitation and Discrimantion Act.

Tiniyak naman ng pulisya na patuloy ang kanilang kampanya upang wakasan ang kriminalidad at mahuli ang mga sangkot sa mga krimen.

Facebook Comments