Naaresto ng mga awtoridad ang isang 61 anyos na lalaki na itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa antas ng lungsod sa isinagawang operasyon sa Candon City, Ilocos Sur.
Kinilala ang akusado na residente ng nasabing lungsod.
Pinangunahan ng Candon City Police Station (Candon CPS) ang operasyon, katuwang ang ISPIU at ISPIDMU. Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Rape by Sexual Assault na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng ₱120,000.00.
Bukod dito, nahaharap din ang akusado sa dalawang bilang ng Lascivious Conduct na may piyansang ₱180,000.00 bawat kaso.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Candon CPS ang nasabing akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Patuloy namang pinaigting ng kapulisan ang kanilang kampanya laban sa mga wanted person upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










