Top 1 Most Wanted Municipal Level sa Isabela, Arestado sa Las Piñas City

Cauayan City, Isabela- Bagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang Top 1 Most Wanted person-municipal level sa Isabela matapos maaresto sa Barangay Manuyo Dos, Las Pinas City.

Kinilala ang akusado na si Richard Nasino, 29 taong gulang, trabahador at residente ng Mabini, Gamu, Isabela.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni hukom Isaac R. De Alban ng RTC Branch 16, City of Ilagan, Isabela na isinilbi ng mga pinagsanib pwersa ng PNP Gamu at Las Piñas City Police Station.


Si Nasino ay nahaharap sa kasong rape o panggagahasa at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP Gamu ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa court of origin anumang araw.

Facebook Comments