TOP 1 MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA BONTOC

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person Municipal Level sa Poblacion, Bontoc, Mountain Province.

Kinilala ang suspek na si alyas “Juan”, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing bayan.

Naaresto ang suspek matapos masilbihan ng warrant of arrest na inihain sa 1st Judicial Region, Bontoc, Mountain Province sa kasong Qulified Theft na may inirekomendang pyansa na nagkakahalaga ng P60,000.


Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pangangalaga ng Bontoc Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments