Top 1 Most Wanted Person, Arestado sa San Mateo, Isabela!

*San Mateo, Isabela*- Inaresto ng mga otoridad ang itinuturing na Top 1 Municipal Level sa Brgy. 3, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Mark Anthony Solis, 28 anyos, walang asawa, isang laborer, at residente ng Brgy. Villa Cruz sa nasabing bayan.

Hinuli si Solis sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Br. 40 Cauayan City sa kasong Rape at 2 counts ng Act of Lasciviousness in relation with RA 7610.


May inirekomenda namang piyansa ang korte para sa kaso nitong Act of Lasciviousness na nagkakahalaga ng (P 180,000.00) habang wala namang kaukulang piyansa para sa kanyang kasong Rape.

Sa ngayon ay nasa pag iingat na ng San Mateo PNP nag akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments