Top 1 Most Wanted Person na 2 Dekadang Nagtago, Huli sa Kalinga

Cauayan City, Isabela- Bumagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa Lalawigan ng Cagayan na nagtago ng 20 taon matapos itong mahuli sa Barangay Balawag, Tabuk City, Kalinga.

Nakilala ang akusado na si Danilo Lawanie Ruping alyas Danny Ruping, 52 taong gulang, may asawa, tubong Calanasan, Apayao.

Sa ulat ng pulisya, Oktubre 27, 1992, binaril ni Ruping kasama ang isang nagngangalanag Doroteo Daguna ang biktimang si Celso Aquino ng Pamplona, Cagayan na agaran din namatay.


Nabatid na pumanaw din kalaunan si Daguna.

Ang pagkakaaresto ni Ruping ay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Adrian N. Pagalilauan ng Regional Trial Court Branch 12, Aparri, Cagayan sa kasong Murder o pagpatay na may petsang February 21, 1997.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang Kalayaan ng akusado.

Dinala na sa Tabuk Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at ipapasakamay sa court of origin.

Facebook Comments