Top 1 Most Wanted Person na Gumahasa sa Apat na Taong Gulang na Anak sa Aurora Isabela, Timbog!

Aurora, Isabela – Naghihimas na ng malamig na rehas ng kulungan ang top 1 most wanted person sa bayan ng Aurora, Isabela na si Reynaldo Mendoza Domingo, 33 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Divisoria, Aurora, Isabela.

Ayon kay Police Senior Inspector Villamor Andaya, hepe ng Aurora Police Station na ang pagkakadakip kay Domingo ay batay sa Warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Bernabe Mendoza ng RTC branch 23 Roxas Isabela dahil sa kasong panggagahasa na nakatala sa kasong kriminal bilang 23-3533-18.

Sinabi pa PSI Andaya na apat na taong gulang ang ginahasa ng akusado at sarili pa nitong anak.


Ang akusado ay hindi pinapayagan ng korte na makapaglagak ng piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan kung kaya’t dadalhin agad sa korte para sa kanyang commitment order.

Samantala, naka ugnayan din ng RMN Cauayan si Domingo ngunit mariing itinatanggi ang paratang laban sa kanya.

Facebook Comments