Top 1 most wanted person ng MIMAROPA, arestado ng CIDG

Nasakote ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang top 1 most wanted person sa MIMAROPA.

Kinilala ni PNP-CIDG Director PBGen. Ronald Lee, ang suspek na si Charlie Mar Mariano Casimero, 25 years old, tubong San Jose, Romblon.

Naaresto ang suspek matapos ang ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad.


Si Casimero ay nahaharap sa paglabag sa RA 7610, o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act”.

Ang warrant of arrest laban sa suspek ay inisyu ni Judge Edwin Buffe ng Regional Trial Court Branch 82, Odiongan, Romblon kung saan P200,000 ang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Sa ngayon, hawak na si Casimero ng CIDG Romblon para sa proper documentation at proper disposition.

Facebook Comments