Top 1 Most Wanted Person sa Aurora, Isabela, Timbog sa kasong Panggagahasa!

Aurora, Isabela – Matagumpay na inaresto ng mga otoridad ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Aurora sa kasong panggagahasa matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Malasin, Aurora, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Virgilio Ajuehan Kuya, 28 anyos, magsasaka at nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip ng mga kasapi ng PNP Aurora, PNP Tanauan katuwang ng CIDG Isabela ang akusado pasado ala una ng umaga matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si Hukom Marjorie T. Uyengco-Nolasco ng RTC Branch 83, Tanauan City, Batangas dahil sa kasong Rape.


Nasa himpilan na ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon habang walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments