Top 1 Most Wanted Person sa Batangas at Limang Taong Nagtago sa Reina Mercedes Isabela, Timbog!

Reina Mercedes, Isabela – Natimbog ng mga kasapi ng PNP Reina Mercedes ang tinaguriang top 1 most wanted person sa Batangas at limang taon nang nagtatago sa batas.

Ayon kay SPO1 George Peralta, imbestigador ng PNP Rina Mercedes na ipinaabot umano ng PNP Batangas sa kanilang himpilan na ang akusado ay matagal nang nagtatago sa naturang bayan kaya’t kaagad na isinilbi ang warrant of arrest nito.

Aniya hindi naman umano pumalag ang akusadong si Sherwin Mirano, apatnapu’t dalawang taong gulang, driver ng truck, nakatira sa Brgy. Nappaccu Grande, Reina Mercedes, Isabela at tubong Brgy. San Luiz, Batangas.


Sinabi pa ni SPO1 Peralta na ang mandamiento de arresto ng akusado ay ipinalabas umano ni hukom Eutiquio Quitain ng RTC Branch 5, Lemery, Batangas City dahil sa kasong murder.

Samantala, nasa himpilan parin ng PNP Reina Mercedes si Mirano dahil sa nakatakda umano ngayong araw ang pagdating ng grupo ng PNP Batangas upang dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments